BeautyMania.biz®'s ENTERTAINMENT PARADISE
Welcome to ENTERTAINMENT PARADISE! There are already existing topics inside, to view and participate the online forum, you must register first and create an account.

Enjoy your stay!! Please spread the news!!

Join the forum, it's quick and easy

BeautyMania.biz®'s ENTERTAINMENT PARADISE
Welcome to ENTERTAINMENT PARADISE! There are already existing topics inside, to view and participate the online forum, you must register first and create an account.

Enjoy your stay!! Please spread the news!!
BeautyMania.biz®'s ENTERTAINMENT PARADISE
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Nora Aunor wins online poll for 10 Best Asian Actresses of the Decade

Go down

Nora Aunor wins online poll for 10 Best Asian Actresses of the Decade Empty Nora Aunor wins online poll for 10 Best Asian Actresses of the Decade

Post by sayonako Wed Mar 24, 2010 3:13 am

Tatanggap ng parangal ang Superstar na si Nora Aunor bilang isa sa "Ten Best Asian Actresses of the Decade" sa gaganaping seremonya ng 2010 Green Planet Movie Awards sa Los Angeles, U.S.A sa Marso 23, 2010.

Noong nakaraang buwan ay lumabas na kasama ang pangalan ni Nora sa listahan ng 30 aktres mula sa Asia-Pacific region na nominado sa naturang kategorya na paglalabanan batay sa pinakamaraming boto sa Internet.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kamakailan, sinabing ipinaalam ni David R. Bracey, Organizing Committee Vice-Chair ng 2010 Green Planet Movie Awards, kay Ms. Cece Valdez ang pangunguna ni Nora sa naturang online voting.

Si Valdez ang nagsisilbing executive assistant ng Superstar sa America.

"The international viewership has selected Nora Aunor as one of the ’20 Best International Actress of the Decade. In fact, she was the #1 choice in this category," nakasaad sa sulat ni Bracey na ipinadala sa pamamagitan ng e-mail.

Dahil dito, inimbitahan ni Bracey si Nora na dumalo sa awards night ng Green Planet Movie Awards (dating Green Globe Films Award), sa Marso 23 (araw sa US) na gaganapin sa Westin Bonaventure Hotel sa Los Angeles.

Inihayag naman ni Valdez na kinumpirma umano ni Nora, nakatira ngayon sa Beverly Hills, California, na dadalo ang batikang Pinay actress sa pagtitipon, ayon sa ulat ng PEP.

Isa sa mga magiging highlights ng awarding ceremony ay ang pagbibigay ng pagkilala sa kontribusyon sa film industry ng Japanese director na si Akira Kurosawa na magdiriwang ng kanyang ika-100 taong kaarawan.

Inaasahang dadalo rin at tatanggap ng kani-kanilang parangal ang iba’t-ibang aktor at aktres mula sa iba’t-ibang panig ng mundo kabilang na ang mga celebrities mula sa Hollywood at Asia.

Bukod sa pagpapahalaga sa industriya ng pelikula, isinusulong din ng Green Planet Move Awards ang pangangalaga sa kapaligiran at pagsuporta sa mga mamamayan na nangangangailan ng tulong. – GMANews.TV

Source: http://www.gmanews.tv/story/186853/nora-aunor-wins-online-poll-for-10-best-asian-actresses-of-the-decade
sayonako
sayonako
Member
Member

Posts : 3127
Join date : 2009-12-01
Location Location : Clark Pampanga

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum